CANDID IN CANADA

...ang teleserye ng aking buhay sa Canada...may action, comedy, at madaming drama...

Saturday, November 21, 2009

inspired and challenged

These are the people who said something to me that inspired and challenged me:

March 2006 - my cousin "Kuya Warly"- sa Bulacan, tinapik niya ako sa balikat at sinabi, "galingan mo don ha para makatulong ka sa mga kamag-anak naten." His last words to me before he died.

March 2006 - si "Auntie Encar" - infront of our other relatives, bigla siya nagsalita, "Joy, bakit ka pa pupunta ng Canada, malaki na ang kita mo sa trabaho mo sa Singapore. Sa Canada hindi ka makakahanap ng trabaho na ka-linya sa profession mo. Magiging taga-hugas ka lang ng pinggan don!" Kinabahan ako sa sinabi niya.

March 2006 - si "Mitch" - nakasulat sa bible na binigay niya saken bago ako umalis papuntang Canada; "To guide you in your journey in life. God Bless"

May 2006 - "Tito Monching & Tita Joan" - kamag-anak ni Ron (bro-in-law ko) na tinuluyan ko pansamantala sa pagdating ko dito sa Canada. Sabi ni Tita Joan saken habang nag-iikot kami sa mga show homes; "Joyce kapag nakahanap ka na ng trabaho, makakabili ka ren ng bahay na ganyan!" Si Tito Monching naman sabay turo sa isang SUV Jeep na naka-park, "Tapos bumili ka ng ganong sasakyan!"

April 2009 - "Paul Clements" - ang boss ko habang kinakausap at kino-convince ako mag-stay sa company for extension after they laid me off; “How confident are you that you’ll find a new job in this current economic situation? You don’t have any North American designation (he was talking about the professional designation recognized in Canada coz apparently my Philippine CPA title is nothing here!)?”

Tuwing naaalala ko ang mga salita na ito, lumalakas lalo ang loob ko para lumaban mag-isa dito sa Canada.

Wednesday, November 11, 2009

"Smurfs"

I got "Smurfs" figurines on my birthday! I like it very much only for 12 bucks! Superb ey! :)

Sunday, August 30, 2009

A house but not yet a home

The door welcomes everyone;
A knock has come from no one.

The windows give light all the time;
Why it seems darkness even if I am fine?

A clean and shiny floor is well kept;
How lovely to see a baby on it for his first step.

The fireplace that keeps me warm;
A cuddle is warmer around his arm.

The ceiling can see me cry;
As I lie down on my bed asking why.

The walls hear my call;
As I got into a bad fall.

A back yard that is green and wide;
But seeing kids have fun would be nice.

A house but not yet a home;
Something that I call my own.

Wednesday, August 05, 2009

si Mommy ko ay parang si Tita Cory

I'm watching TV Patrol right now. Pinapalabas yung libing ni Pres. Cory Aquino. Ang daming nagmamahal sa kanya, nakakatuwa at nakakaiyak. Ina nga siya talaga ng bayan. Bigla kong naalala ang sarili kong mommy and I realized na yung Mommy Nelia ko pala ay maihahambing ko kay Tita Cory. Hindi dahil sa kasikatan ni Tita Cory sa buong bansa kundi dahil si Mommy ay meron malakas na pananampalataya sa Diyos katulad ni Tita Cory.

Malayo ako sa mommy ko so every time na tatawag ako sa kanya dahil meron akong problema, eto ang aming nagiging conversation, walang paltos ito:

Mommy: Anak, magdasal ka. Humingi ka ng tulong sa Kanya, hindi ka Niya pababayaan.
Joy: Nagdasal na ako, pero wala din nangyari!
Mommy: Maghintay ka lang sasagutin ka din ng Diyos sa tamang panahon. Wag kang mag-alala at masyadong mag-isip.
Joy: Jusko, kelan ba ang tamang panahon? Ang tagal naman. Sumasakit na ulo ko kaka-isip kung ano ang gagawin ko.
Mommy: Mamaya, pupunta ako sa simbahan, ipagdadasal kita.
Joy: Haaayyy naku!

Lumaki ako na ganon na talaga si Mommy. Ang bawat problema at pagsubok sa pamilya, dasal lang ang katapat. Ganon katibay ang kanyang tiwala sa Panginoon. Naalaala ko pa tuwing brown out samen, kukulitin kaming magkakapatid pati si Dad na mag-rosaryo. So ako naman while praying the rosary, ang pinagdadasal ko eh sana magka-kuryente na para makapanood na ako ng tv. Gumagawa talaga si Mommy ng paraan para maging madasalin kami, kapag nagbabyahe kami ilalabas niya na ang kanyang rosaryo at sasabihan kami sumunod sa kanya. Kaming magkakapatid magkukunwari na tulog para lang hindi kami makapag-rosaryo. I remember when I took my CPA exam sa Pinas, may sakit ako noon, pinag-pray over niya ako para gumaling ako at makasagot ako sa exam. Kinantyawan pa nga ako ng mga classmates ko kasi nakita nila ang ginawa ng mommy ko. Tapos nung lumabas ang result, ako at si Pam lang ang pumasa, sabi saken nung isa kong classmate, "sana Joyce nagpa-pray over din ako sa Mommy mo, di sana pumasa din ako sa exam!".

Kay Mommy napaka-powerful ng prayer. Lagi niya tinuturo samen at sa ibang tao iyon. Que se hodang tawagin siyang pastora o preacher. Ang tangi niyang sandata para lumaban sa buhay ay ang pagdarasal. Masasabi ko na si Mommy ko ay parang si Tita Cory.

Saturday, July 04, 2009

Kasama sa buhay

since i live by myself, i realize that my social life change a lot. dati sa Pinas i was surrounded by friends / barkada / family. gusto ko lagi may gimik, may katuwaan kasama ang barkada or officemates. ako ang taga-initiate ng lakad. i've always wanted to go out, chit-chat, meet new people or just hang out sa mall and do people watching. ngayon, nabago ang lahat, i just wanted to stay at home. pag may nag-invite ng lakad or party (friends or officemates) sobrang pinag-iisipan ko pa kung sasama o pupunta ako. nandyan sabihan na ako ng mga kaibigan ko dito na lumabas naman ako ng bahay, actually pati nanay ko pinagsasabihan ako lumabas and meet people. sa totoo lang INIS na INIS ako 'pag pinagsasabihan ako ng ganito. Nakakaasar! Kasi feeling mo, napaka-malaking kasalanan ang mag-stay lang sa bahay. yung tipong mamatay ba ako kung hindi ako lalabas. ganon ang feeling! kulang na lang eh sabihan ko sila ng "leave me alone!" at gusto ko rin sabihin sa kanila na "I'm ok! huwag kayo mag-alala o makialam!" masaya naman ako na nasa bahay lang. hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo. nakaka-irita lang talaga! i'll go out if i like or want to, hindi na ako kelangan i-remind pa. don't make me feel that i'm losing a lot by not going out. ang hindi niyo alam mas nalulungkot ako 'pag lumalabas ng bahay! - ang lumabas mag-isa! why? lalo ko lang kasi nakikita o nafi-feel sa aking paligid what's missing in my life. 'pag nag-malling, makikita mo pamilya o mag-boyfriend o mag-asawa na magkakasama na namamasyal. o di naman pupunta ka sa isang party, ano makikita mo? pamilya o mag-boyfriend ang mga bisita, samantalang ikaw mag-isa na a-attend ng party at kung susuwertihin ka pa, may makakausap ka na pakilamera at magtatanong sayo kung married, may boyfriend o may anak ka na! at gusto mong isagot "hello! are you blind or stupid, may nakita ka bang kasama ko???"

sabi nung biyenan nung kapatid ko, para daw mag-survive living abroad kelangan daw ng KKK:

K-apamilya;
K-aibigan; at
K-asama sa buhay

bago ako nagpunta dito sa Canada, i prayed to God na sana padalan Niya ako ng mga Kaibigan. Natupad naman, may mga naging kaibigan ako, lahat sila ay mga pamilyadong tao na. Dumating din sa Canada ang Kapamilya ko (nasa kabilang province nga lang sila). Dapat pala naging mas specific ako sa aking dasal, hiniling ko sana na padalan ako ng Kaibigan na Single na pwede kong maging Kasama sa buhay...

Thursday, June 25, 2009

pahabol

Teka pahabol...kakasilip ko lang sa bintana (hobby ko yon tuwing mag-gagabi na, ang sumilip sa neighbors at pagmasdan sila, pag summer kasi nasa labas ng bahay ang mga puti, ang mga bata naglalaro at nakabantay naman ang mga magulang. hindi naman ako naninilip na parang pervert!)... at napansin ko sa labas, sa tapat ng kapitbahay ko na Pinoy. May kumpol na mga Pinoy, mukang mga nagchi-chismisan. Mga three couples sila, yung isang babae may bitbit pang anak (imaginin niyo sa Pinas yung mga Pinoy na kumpol at nagdadaldalan kulang na lang eh magtagayan ng bilog)...wala lang naisip ko lang, hindi kaya pinag-uusapan nila yung pagkamatay ni Michael Jackson?...la lang naiisip ko lang...hehehe!

May kwento ako

May kwento ako, nangyari saken today. Sumabay ako kay Carlo kanina umaga sa pagpasok sa work. Nung nasa kotse kami, biglang may pinatugtog na song sa radio.

Carlo: Ah eto pala yung song ni TI kasama si Justin Timberlake!
Joyce: Ay Oo! Si JT parang black na, yung mga songs niya style ng mga black! (Habang bumaba sa kotse)

Habang naglalakad, papalabas ng parking lot.

Carlo: Oo nga para siyang si Eminem. Ginagantihan nila si Michael Jackson!
Joyce: Ha?!
Carlo: Si Michael nagpapaka-puti, tas si Eminem at JT nagpapaka-itim.
Joyce: Hahaha! Sayang si Michael Jackson noh! Kung hindi lang siya nagbago ng itsura edi siguro sikat pa ren siya hanggang ngayon parang si Madonna.
Carlo: OO nga.
Joyce: Ocia sige salamat ha! Bukas na lang!
Carlo: Oo sige!

Naghiwalay na kami, papunta na sa kanya-kanya office.

Nung hapon sa office, nasa room ako ng boss ko. May dini-discuss kami about month end reporting. Biglang nag-tagalog yung amo ko na Pinoy. Hindi kami usually nag-uusap ng tagalog kasi ayaw niya. Lagi lang kami nagi-ingglisan kahit pareho naman kaming hirap mag-english! At ang titigas ng accent namen. Anyways, sabi niya.

Estela: Patay na daw si Michael Jackson.
Joyce: Ha? Sino nagsabi?
Estela: Si Maria!
Joyce: Sus si Maria lang pala! (Si Maria ay yung bago namen na staff na ma-chika, unang araw pa lang sa office eh pwede nang ma-coronahan na "Ms. Congeniality". Lahat ka-chika at lahat ng chismis ay alam.)
Estela: Si Sarah Fawcett din ng Charlie’s Angels patay na ren.
Joyce: Talaga!

Yon medyo naniwala pa ako kasi matagal nang nasa news yon na siya'y battling for cancer. Pero yung kay MJ, hindi ako naniwala agad. Maya-maya, yung Executive Assistant namen sumilip sa room ng boss ko at.

Teri: Michael Jackson died at 50.
Estela: Oh yeah (feeling alam na alam ang news). Sarah Fawcett also died.
Teri: What date is today?..the news is so sad…
Estela: Yeah, it’s so sudden! (actually "sad" yung narinig ko na sinabi ni Teri)

Umalis si Teri. Balik kami sa usapan, akala ko magdidiscuss na kami tungkol sa work. Biglang nagcheck yung amo ko sa internet.

Estela: San kaya nila nabasa yung news? (tinype ang CNN sa web browser. Ang naka-headline “Michael Jackson Hospitalized) Oh nasa ospital pa pala eh bakit pinatay na nila. Teka check pa tayo ng iba, ano pa web?
Joyce: Try mo yahoo.com baka mas updated (yahoo news “Michael brought to hospital”)
Estela: Ospital pa ren eh. San kaya nila nabasa? (tinype ang TMZ.com “Michael died at 50"). Ayun dito pala siya pinatay. Teka check pa tayo ng iba baka sa ibang news eh buhay pa siya. Hahaha!
Joyce: Hahahaha! Oo nga TMZ yan eh hindi credible yan. Mas credible ang CNN.
Estela (nag-stop magbrowse ng internet at may kinuha na file): Kawawa naman si Sarah!
Joyce: Sarah who?
Estela: Ay si Farah pala.
Joyce: Oo nga, pero at least natapos na ren yung battle niya sa cancer.
Estela: Hindi nakakaawa siya kasi namatay din si Michael Jackson, malalampasan siya (kumunot ang ulo ko dahil hindi ko siya maintindihan). Mas pag-uusapan ang death ni Michael Jackson kasi mas sikat ito kesa sa kanya! Hahaha!
Joyce: Ganon! Hahaha! (sa isip loko itong amo ko, seryoso pa naman yung sagot ko. Napahiya ako ah!)

Nung pauwi ako habang nasa train, bigla ko naalala yung pagkamatay ni MJ nalungkot ako kasi kahit pano nagustuhan ko siya dahil sa mga songs na pinasikat niya pero bigla din ako napangiti kasi naalala ko yung usapan na itoh! Hmmm mai-blog!

Monday, June 15, 2009

Matigas po talaga ata ang ulo ko!

Panginoon, tulungan Ninyo po ako maalis ang aking worries and anxiety. I talked to my friends already para mailabas ko lahat ng nararamdaman ko, pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa ren mawala. Matigas po talaga ata ang ulo ko! Palambutin Niyo nga po!